Tunay na Triskelion

TAU GAMMA PHI/SIGMA

Ang tunay na TRISKELION 

Hindi sumusuko sa hamon ng pagsubok sa loob at labas ng kapatiran

Hindi umaayaw sa laban, magaan o mabigat man sa loob at labas ng kapatiran

Hindi yumuyuko sa kabiguan bagkus taas noong kayang ipamukha ang salitang pagbangon

Hindi tumatalikod sa mga kapatid, komunidad at unibersidad na kanyang kinasasapian o pinapamunuan

Hindi isinasakripisyo ang kanyang posisyon mataas man o mababa ng dahil lang sa pansariling desisyon

Hindi naghihintay ng utos bagkus kayang gumalaw ng kusa para sa ikabubuti ng karamihan sa kapatiran

Hindi lumalabis sa kanyang tungkulin at ginagawa ng tama ang kanyang obligasyon bilang tawag ng tungkulin sa kapatiran

Hindi nagmamaramot sa karunungang pang kapatiran bagkus handang magbigay at magturo sa ikaaangat ng kaalaman ng kanyang pinamumunuan o kinabibilangan

Hindi away ang hangad kundi maayos na pakikipag talakayan at handang magpaka babang loob alang alang sa ngalan ng kapayapaan

Ikaw?...... Oo ikaw, matatawag mo bang TUNAY kang TRISKELION, o nagpapanggap lang para masabing isa kang LEON na tulad ng hari ng kagubatan na matapang, mabangis, handang magtanggol at dumipensa kung kailangan, kayang panatilihin ang ipaglaban ang nasasakupang teritoryo at kasapi at maglingkod sa kagubutan ng komunidad na iyong nais pamunuan... Kung HINDI?.... isa kang matatawag na TUPA... Madaling masukol, madaling tumiklop, mahina, tikom at kiyeme sa hamon ng pagsubok pang kapatiran loob at labas man.... 

Mataas na saludo sa lahat ng TUNAY na PHI at SIGMA!

Salute from Marawi
Salute from Jalani Paner Montila

Comments

Popular Posts